(Update) NAGA CITY – Lomobo pa ang bilang ng mga pasaherong nagtamo ng sugat sa nangyaring salpukan ng pampasaherong bus at truck sa Sta. Catalina, Atimonan, Quezon province.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula kay Chief M/Sgt. Warren Macawili mula sa Atimonan-PNP, sinabi nitong nasa tatlong katao ang binawian ng buhay sa insidente habang 76 na iba pa ang sugatan.
Ayon kay Macawili, isa sa namatay ang pasahero ng bus habang ang dalawa naman ang sakay ng truck.
Sa ngayon nananatili na sa kustodiya ng kapulisan ang driver ng bus habang base aniya sa salaysay nito, nawalan siya ng kontrol sa minamanehong sasakyan.
Nabatid na patungong Bicol ang naturang bus nang makabangga ito sa kasalubong na truck.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang pangyayari.
Habang nananatili naman sa ospital ang mga sugatang pasahero.