Umakyat na sa 76 porsyentong mga public utility jeeps sa buong bansa ang nakapag-consolidate sa ilalim ng PUV modernization program.
Sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, 76% o 145,721 units ng UV Express at public utility jeepneys ang na-consolidate na sa ilalim ng nasabing programa.
Kaugnay nito sinabi ni Andy Ortega Chairman ng Office of Transportation Cooperatives, na ang mga aplikasyon ng consolidation na natanggap ng ahensya ay lumampas sa kanilang mga projection.
Ayon kay Ortega na maari pa rin namang sumali sa ibang kooperatiba ang PUV drivers at operators na nabigong mag-consolidated o mag-apply para sa consolidation bago ang itinakdang Disyembre 31, 2023 na deadline.
Samantala, ang LTFRB naman ang magdedesiyon sa prangkisa ng mga operators na hindi nakapag-consolidate.