Nakapagtala ngayon ang Department of Health (DOH) ng panibagong 7,625 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Ang mga COVID cases sa Pilipinas mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 2,705,792.
Samantala, mayroon namang naitalang 13,363 na mga bagong gumaling.
Sa kabuuan ang mga nakarekober sa bansa ay umaabot na sa 2,586,369.
Gayunman meron pang 78,999 na mga aktibong kaso pero ito ang pinakamababa mula noong August 9, 2021.
Meron namang mga nadagdag na mga pumanaw na umaabot sa 203.
Ang death toll ngayon sa bansa ay umaabot na sa 40,424.
“Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 13, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 1.3% sa lahat ng samples na nai-test at 0.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” bahagi pa ng DOH advisory.