Qualified si Eastern Mindanao Command (Eastmincom) Commander na si Lt.Gen. Jose Faustino Jr., bilang susunod na commanding general ng Philippine Army.
Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff Lt.Gen. Cirilito Sobejana matapos niyang kumpirmahin ang appointment ni Faustino.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay AFP Chief Sobejana, kaniyang sinabi na may binaba ng memorandum ang Malacanang kaugnay sa appointment ni Faustino bilang Army chief on acting capacity.
Paliwanag ni Sobejana kung bakit acting capacity ang designation ni Faustino, ito ay dahil mayruon na lamang siyang less than one year na mananatili sa military service.
Sinabi ni Sobejana, kilala niya si Faustino bilang isang magaling na combat officer na mataas ang level of expertise sa peace and security efforts kaya qualified siya sa posisyon.
Nadestino din nuon sa probinsiya ng Sulu ang heneral kung saan nakipaglaban din ito sa mga teroristang Abu Sayyaf.
Bago mag-assume si Faustinno bilang Eastmincom Commander na naka base sa Davao region, siya ang dating commander ng 10th Infantry Division ng Philippine Army na nakikipaglaban sa teroristang NPA.
Tiwala naman si Sobejana na magagampanan ni Faustino ang kaniyang trabaho bilang army chief.
Sa ngayon wala pang pinangalan na papalit sa pwesto ni Faustino.