Nakakolekta si Joel Embiid ng 23 points at 15 rebounds at ibinuhos naman ni Nicolas Batum ang anim na 3-pointers para iangat ang host Philadelphia 76ers sa score na 105-104 kontra sa Miami Heat sa nagpapatuloy na NBA play in game nitong Miyerkules.
Natapos si Batum na may 20 points sa 7 of 12 shooting, at nagdagdag ng 19 puntos si Tyrese Maxey.
Nagtala naman si Kelly Oubre Jr. ng 11 points at walong rebounds, at nagdagdag si Tobias Harris ng siyam na puntos at 10 boards.
Nalagpasan ng 76ers ang Miami sa second half, 66 53, na naging daan para mag-set up ng Eastern Conference first round playoff series laban sa second seed New York Knicks.
Ang kanilang Game 1 ng best of seven series ay magaganap sa Sabado sa New York.
Samantala, nasayang naman ang ambag ni Tyler Herro ng Miami na 25 points at siyam na assists, at si Jimmy Butler na may 19 points, five assists at five steals.
Nabatid na nagkaroon ng injury si Butler sa kanang tuhod matapos ang banggaan nila ni Oubre sa huling parte ng first quarter.
Nanatili si Butler sa laro at itinala ang kaniang ikaapat na steal upang i-et up ang driving lay-up ni Highsmith upang bigyan ang Heat ng 37-26 lead.
Gayunman, bigo pa rin ang kanilang kopunan na makuha ang panalo mula sa katunggaling Philadelphia 76ers.