-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng 77-anyos na Filipina ang kaniyang naging tagumpay sa buhay.

Ito ay matapos na malibot niya ang 195 na bansa.

Ayon kay Odette Aquitania Ricasa, na huli niyang napuntahan nitong Huwebes ay sa Kurdistan, Iraq.

Sa kasalukuyan kasi ay kinikilala ng United Nations ang 193 sa 195 bansa kabilang ang Holy See at Palestine na nagsisilbing non-member observer states.

Ngayong taon lamang ay nabisita niya ang Sudan, Chad, Central African Republic, Libya at Iraq.

Bago aniya ang pandemic ay nakalibot ito ng limang bansa.

Dagdag pa nito na marami siyang natutunan sa mga kultura ng mga bansang nabibisita niya.

Noong 2015 aniya ay nabisita niya ang bawat kontinente.