Umabot na sa 77 katao ang inaresto matapos ipatupad ni Hong Kong chief executive Carrie Lam ang anti-mask law.
Ayon
Nakapagtala din umano sila ng 213 kaso ng vandalism sa ilang tindahan, MTR facilities, public properties at mga buildings pati na rin 80 nasirang traffic lights.
Pumalo na rin sa 241 suspeks, edad 12-54, ang nahuli habang isinasagawa ang rally.
Dinakip din ng mga pulis ang isang buntis, 19, dahil sa pagsama umano nito sa naturang protesta at criminal damage sa Siu Hong MTR station sa Tuen Mun noong Lunes.
Dahil dito ay naitala na mayroon nang 2,363 katao ang inaresto simula noong Hunyo at 408 naman ang kinasuhan na.
Noong Biyernes nang gamitin ni Lam ang kaniyang Emergency Regulations Ordinance o emergency powers bilang pinuno ng Hong Kong para ipatupad ang bagong panuntunan.