ROXAS CITY – Nagnegatibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang buong empleyado ng Capiz Provincial Health Office at Department of Health na nagkaroon ng close-contact sa 32-anyos na health worker na unang nag-positibo sa nasabing sakit.
Sa interview kay Mr. Ayr Altavas, Public Information Officer (PIO) ng Capiz PHO, sinabi nito na isinailalum sa Real-Time Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test ang 77 na mga empleyado ng PHO at DOH kung saan pawang nagnegatibo ang mga ito.
Ayon pa kay Altavas na ang nobya ng nag-positibo na health worker at pitong iba pa na mga kasamahan nito sa balay ang nag-negatibo rin sa RT-PCR Test.
Ngunit may 17 pang mga High Risk Contacts (HRC’s) na hinihintay ang resulta ng RT-PCR test.
Samtang nanatili pa sa Roxas Memorial Provincial Hospital ang health
worker sa kabila na nag-negatibo na ito sa RT-PCR Test at muling isasailalim sa nasabing test.