Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa pagsabog ng gasoline tanker sa second largest city sa Haiti matapos na kumpirmahin ng Sainte Thérèse de Hinche Hospital ang pagpanaw ng dalawang biktima.
Ang dalawang bagong nasawi ay kabilang sa siyam na pasyente na dinala sa naturang ospital dahil sa sunog sa katawan na kanilang natamo.
Base kay Jean Henri Petit, ang head ng Office of Civil Protection for the North region, nasa 75 ang partial death count kabilang dito ang 66 at iba pang natagpuang bangkay matapos ang pagsabog.
May posibilidad pa aniya na mas marami pa ang maitalang casualty.
Magugunita na nitong nakalipas na araw ng sumabog ang isang gasoline tanker sa Semarie district sa eastern entrance ng Cap-Haïtien matapos tangkaing iwasan na mabangga ang isang motorsiklo na nagresulta ng pagbaliktad ng tanker.
Hanggang sa kasalukuyan hindi pa malinaw ang dahilan ng pagsabog ng tanker dahil hindi pa mahanap ang driver ng nito na nakaligtas sa insidente.