-- Advertisements --
Nasa 77 overseas Filipino workers (OFW) sa Hong Kong ang dinapuan ng COVID-19 mula ng magsimula ang fifth wave ng infections ngayong buwan.
Sinabi ni Philippine Consul General Raly Tejada, naka-isolate na ang nasabing mga OFW na nagpositibo sa virus.
Humingi ng tulong ang nasabing mga OFW sa kanila kaya nadala ang mga ito sa isolation facility.
Pinasalamatan nito ang mga non-government organization (NGO) sa Hong Kong at Labor Department doon dahil sa ligtas na lugar na kinalalagyan ng mga OFW.
Sa kasalukuyan ay humupa na aniya ang bilang ng mga nadadapuan ng COVID-19 sa Hong Kong.