-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Umakyat na sa 778 na mga baboy ang tuluyang nadepolate sa bayan ng Kabacan Cotabato dahil na rin sa panganib na dala ng African Swine Fever o ASF.
Ayon sa Municipal Agriculturist, abot na sa 6,449,000 piso ang pinsala nito sa sektor ng pagbababoy sa bayan.
Sa ngayon, sampong barangay na ng bayan ang may positibong kaso ng ASF. Patuloy naman ang paghihikayat ng lokal na pamahalaan ng Kabacan sa pamumuno ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. sa publiko na pakaalagaan ang kanilang mga alagang baboy at isa sa paraan ay ang paglalagay ng biosecurity.
Isinasaayos naman ng lokal na pamahalaan ng Kabacan ang dagdag tulong para sa mga magbababoy na napinsala ng ASF na hindi napabilang sa naunang ipinamahagi ng LGU mula sa pondo nito.