BUTUAN CITY – Kinumpirma sa Department of Health o DOH-Caraga na nakatala ng 78 bagong positibong kaso sa Covid-19 ang rehiyon kahapon pati na ang 3 nadagdag sa listahan na napatay dahil sa nasabing virus.
Ayon sa online press breifing sa kagawaran sa pamamagitan ni DOH-Caraga assistant regional director Gerna Manatad, sa nasabing bilang ay 60 porsiento mga babae at 40 porsiento ang lalaki.
Ang positibong kaso ay nanggaling sa Agusan Del NOrte na may 17 sa pamamagitan sa mga bayan ng Buenavista na may 2; Carmen-3; Nasipit-4; at Remedios T. Romualdez o RTR na may 8. Sa Agusan Del Sur ay may 2 sa pamamagitan sa Sibagat at Talacogon; sa Surigao Del Sur na may 4 galng sa bayan ng Barobo na may 1; at Lianga-3; habang isa naman sa Tubajon, Dinagat Island. Ang Surigao City naman ay may 1; Bislig City-8; habang ang Butuan City ay may 45. Sa bagong kaso, 30 ang health care workers, 20 ang may closed contact sa dating positibo sa virus, 13 ang local transmission, 7 ang frontliners, 3 ang locally stranded individuals o LSI habang 5 ang may travel history sa mga lugar na may local tranmission.
Sa new Covid-19 positives sa Caraga, 38 ang asymptomatic at 37 ang nakaranas ng mild symptoms habang 3 ang severe.
Samantala ang 3 bagong naitalang napatay dahilsa Covid-19 ay ang 60-anyos na babae sa Bislig City na may Diabetes at Kidney Failure kung saan walang travel history sa mga lugar na may local transmission. Na-admit ito noong Setyembre 2 oat napatay sa Setyemre 9.
Ang pangalawa ay ang 28 anyos na lalaki na galing rin sa Bislig kung saan may hypertension, walay travel history sa mga lugar na may covid-19 at dinala sa ospital noong Setyembre ngunit dineklarang dead-on-arrival.
Ang ikatlo ay ang 72-anyos na lalaki sa Butuan City na may Pulmonary Tuberculosis kungsaan dinala sa ospital noong Setyembre 11 ngunit dineklarang dead on arrival.
Sa kasalukuyan, ang kabuoang Covid-19 cases sa Caraga ay umabot sa 783 kung saan 413 ang nakarekober, 349 ang aktibong kaso at 21 ang napatay.