-- Advertisements --
image 270

Nasa 78 katao ang inaresto ng Turkish police dahil sa paglikha ng takot at panic sa pamamagitan ng pag-share ng provocative posts kaugnay sa tumamang lindol sa mga online platforms kung saan umabot na sa lagpas 41,000 ang mga namatay.

Dinala sa pre-trial detention ang nasa 20 dito.

Ayon naman sasa General Directorate of Security ng Turkey, natukoy nito ang nasa 613 katao na inakusahan ng paglikha ng provocative posts habang sumasailalim sa legal proceedings ang 293 indibidwal.

Sinabi din ng opisyal na nasa 46 na websites ang pinatanggal dahil sa pagpapalakad ng phishing scams na nagtangkang nakawin ang mga donasyon na nakalaan para sa mga biktima ng lindol at 15 online platforms naman ang ipinasara na nagpanggap na official institutions.

Una rito, in-adopt ng Turkey parliament ang isang batas kung saan ang mga mamamahayag at online users ay maaaring makulong ng hanggang tatlong taon para sa pagpapakalat ng maling impormasyon.

Sa loob lamang kasi ng isang linggo mula ng tumama ang lindol, nasa 6,200 items ng maling impormasyon at balita ang naitala ng gobyerno ng Turkey.