-- Advertisements --

Natanggap ng bansa ang panibagong 780,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines na para sa mga minors na lima hanggang 11-anyos.

Pasado alas-9:00 nitong gabi ng Miyerkules, Pebrero 16 ng lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ang nasabing mga bakuna ay binili ng gobyerno na gagamitin sa pagbabakuna sa nasabing age group.

Magugunitang nagsimula ang pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 anyos noong Pebrero 7 na inuna sa National Capital Region.