-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Naghatid ng inspirasyon ang isang lola sa lungsod ng Tabaco sa Albay nang magtapos ito sa elementarya sa edad na 79-anyos.

Kabilang si Lola Virginia Bien sa mahigit 400 na nagtapos sa ilalim ng Alternative Learning System.

Ayon sa speech nito, 13-anyos umano siya ng tumigil sa pag-aaral upang mamasukan dahil sa hirap ng buhay.

Pangarap umano niyang maging isang guro na tila natupad naman dahil sa pagiging katikista nito simula noong taong 2000.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo Legazpi kay Tabaco City Mayor Krisel Lagman-Luistro, sinabi nitong patuloy na mag-aalok ang lokal na pamahalaan ng mga programang pang-edukasyon upang mas marami pang kagaya ni lola Bien ang makapagtapos sa pag-aaral.

Ayon sa alkalde, kinakailangan ng mga mamamayan na maramdaman ang tulong ng pamahalaan upang marami pang pangrap ang matupad sa pamamagitan ng edukasyon.