-- Advertisements --

Hawak na ng National Bureau of Investigation ang 79 na Chinese national matapos silang hulihin sa isinagawang pagsalakay sa isang factory sa San Jose Del Monde, Bulacan.

Marami sa mga nahuling Chinese ay patuloy pang inaalam ang kanilang estado.

Habang 36 sa mga ito ay tiyak na Chinese national batay na rin sa ipinakitang mga dokumento, at 23 sa kanila ay may hawak lamang na tourist visa.

Hindi pa malinaw sa ngayon kung ang isinagawang pagsalakay ay may kaugnayan sa nagpapatuloy na pagtutuk ng pamahalaan sa iligal na operasyon ng mga POGO sa bansa.

Ayon kay NBI Director Jaime A. Santiago, dadalhin ang mga nahuling Chinese ngayong araw sa NBI national office sa Quezon City.