Nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang 79 kaso ng COVID-19 Omicron subvariants mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Iniulat ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na naitala ang bagong 60 kaso ng BA.5, 17 kaso ng BA.2.12.1 at 2 kaso ng BA.4 mula July 7 hanggang 11.
Sa bagong kaso ng BA.5 infections, nasa 58 indibidwal ang dinapuan ng sakit mula sa Western Visayas at isa naman ang infected mula sa Davao Region at Soccsksargen.
Sa kabuuan, mayroon ng kabuuang nadetect na 293 BA.5 cases sa bansa.
Ayon sa DOH, nasa 43 bagong kaso ng BA.5 omicron subvariant ang natag na nakarekober na, 14 ang sumasailalim pa sa isolation habang kasalukuyang biniberipika ang kondisyon ng tatlong iba pang tinamaan ng naturang virus.
Sa anim naman mula sa 17 bagong kaso ng BA.2.12.1 cases ay mula sa Western Visayas, 10 mula sa Davao Region habang ang isa naman ay returning overseas Filipino.
Bunsod nito, nasa kabuuang 87 na ang kumpirmadong kaso ng BA.2.12.1ang nadetect sa bansa.
Nasa 15 dito ang ikinokonsiderang nakarekober na habang ang dalawang iba pa ay nananatili sa isolation.
Samanatla, sa mga nagpositibo naman sa Omicron BA.4 subvariant. isa ang mula sa Davao Region at isa din mula sa Soccsksargen. Subalit ayon sa DOH pareho ng nakarekober ang dalawang pasyente na nakaranas ng mild symptoms lamang,
Kung kayat nasa kabuuang 12 na ang nadetect na BA.4 cases sa bansa base sa latest genome sequencing run.