-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Lumobo pa ang bilang ng mga Locally Stranded Individual (LSI) sa Bangsamoro Region ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid-19).

Umaabot sa 406 LSI ang dumaong sa Cagayan De Oro City mula sa Metro Manila.

Dapat sana ay patungo sa Island Provinces ( Basilan, sulu, Tawi-tawi) ang mga LSI ngunit ni-refer agad sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Government kaya diretso itong dinala sa Maguindanao.

Deritso na dinala ang mga LSI sa limang isolation facility sa Sultan Kudarat Maguindanao at kinunan ng swab samples.

Sa resulta ng swab test 79 sa mga LSI ang nagpositibo sa Covid 19.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng Bangsamoro Govnt ang health protocols sa patuloy na pagdating ng mga LSI at ROF sa BARMM Region.