-- Advertisements --
NHA MARCELINO ESCALADA
NHA General Manager Marcelino Escalada Jr.

Lalarga na sa June 11 ang ikalawang batch ng mga residente mula sa Metro Manila at nag-enroll sa Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Program (BP2) ng gobyerno.

Kinumpirma ngayon ni NHA General Manager Marcelino Escalada Jr., executive director ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program na ang susunod na mga batch ay binubuo ng mga residente na ihahatid patungo ng Leyte, Samar, Negros Occidental, Northern Samar, Camarines Sur, Eastern Samar, Zamboanga del Norte at Lanao del Norte.

Una nang nagsimula ang muling pagbuhay sa programa ay noong Mayo 20, 2020 habang nasa kasagsagan ang bansa sa COVID crisis.

Ang ikalawang batch na ihahatid na 100 ay patungo naman ng Leyte sa June 11 at sa June 12 ay mga residente naman na nagdesisyon na bumalik na ng Camarines Sur.

Balak ng NHA na lima hanggang anim na mga bus ang maghahatid na mga kababayan.

Ayon kay Escalada, pagkatapos nito ang susunod namang babiyahe ay ang patungo ng Zamboanga del Norte at Lanao del Norte.

Balik Pobinsiya program

Sa ngayon umaabot na sa 79,000 ang nagpa-enroll sa pamamagitan ng online sa website ng kanilang tanggapan.

Liban nito, meron pang 10,000 mga aplikante na dumaan sa manual applications ang inaasahang matatanggap din ng NHA sa pagtatapos ng linggong ito.

Bago ito nasa 50,000 umanong forms ang ipinakalat sa mga barangays sa Metro Manila para sa mga walang internet kung saan magsisilbi din itong data base sa mga nagnanais na bumalik ng probinsiya.

Kung maalala una nang pinirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte noong May 6, 2020 ang Executive Order No. 114 na naglalayong seryosong sulusyunan ang problema sa congestion sa Metro Manila.

Balik probinsiya hotline NHA