Iba’t ibang aktibidad ang nakahanay ngayon sa lungsod ng Naga kasabay ng 7th Death Anniversary ni dating Interior Sec. Jesse M. Robredo.
Alas-9:00 ng umaga nang simulan ang Community Flower offering at presentation of plaque para sa munisipalidad ng Tinambac Camarines Sur.
Highlight din ang pagbubukas ng Jesse’s Portraits Especial Exhibit na pangungunahan ng Salingoy Art Group.
Kasabay nito magkakaroon rin mamayang hapon ng culminating activity para sa 33rd Foundation Anniversary of Naga City Urban Poor Federation Inc. sa Naga City People’s Hall.
Samantala, presente naman sa naturang mga aktibidad sila Vice President Leni Robredo, Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel H. Bordado Jr at Mayor Nelson S. Legacion.
Una rito, kahapon ng nagkaroon din ng launching ng E- Jeepney at First ever Jessie M. Robredo National Swim Cup.
Kung maaalala, Agusto 18, 2012 nang bumagsak ang sinasakyang eroplano ni Jesse M. Robredo sa karagatan ng Masbate na naging mitsa ng kanyang kamatayan.