-- Advertisements --

Nagpasalamat si House Speaker Martin Romualdez sa US House para bipartisan support na tinawag na groundbreaking measure na malaking tulong para sa mga Filipinos at ang patuloy na tensiyon sa West Philippine Sea.

Ang reaksiyon ng Speaker ay bunsod sa pag-apruba ng United States House of Representatives sa $8.1 billion emergency aid package para sa kanilang mga kaalyadong bansa sa Indo-Pacific kabilang ang Pilipinas.

Ito’y resulta sa ginawangpag lobby ng Philippine delegation sa pangununa ni Speaker Romualdez.

Sa botong 385-34, pinagtibay ng U.S. House ang USD8.1-billion bill na nagbibigay ng alokasyon na nasa $4 billion sa security assistance sa Taiwan, Pilipinas at iba pang mga kaalyadong bansa sa Indo-Pacific.

Nasa $1.9 billion para i-replenish ang US stocks na depleted na tulong para sa Asian allies at nasa $3.3 billion na pondo naman para sa submarine infrastructure at iba pang mga dagdag na provisions.

Pinuri din ni Speaker Romualdez ang US House sa kanilang “steadfast commitment” para i-advance ang global stability at security.

Kumpiyansa naman si Speaker na ang aksiyon ng US House ay pauna pa lamang para sa pinalakas pa na partnership sa pagitan ng Amerika at sa mga kaalyado nito sa Indo-Pacific region partikular ang Pilipinas.

Ang U.S. FMF program ay nagbibigay ng grant para sa pag-acquire ng U.S. defense equipment, services, at training.