Hindi bababa sa 8.4 milyong halaga ang multa ang inaasahang makokolekta ng pamahalaan mula sa kanilang nahuling mga kolorum sa isinagawang Anti-Colorum Operations ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT).
Ang nasabing operasyon ay ikinasa sa pakikipagtulungan nila sa Philippine Coast Guard at sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Ayon sa datos ng naturang ahensya, umabot sa walong mga kolorum na sasakyan ang nahuli, kabilang na rito ang mga ilegal na pumapasadang mga van at maging ang private vehicle.
Samantala, patuloy pa rin ang babala at panawagan ng Department of Transportation sa publiko na huwag nang tangkilikin ang mga kolorum na sasakyan upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero att para na rin panatilihin ang kaayusan sa sektor ng transportasyon.