(Update) Mayroon ng walong katao ang inaresto ng mga otoridad sa Sri Lanka na may kaugnayan umano sa naganap na pambobomba na ikinasawi ng 207 katao at mahigit 400 ang sugatan.
Ayon kay Prime Minister Ranil Wickremesinghe, inaalam na nila kung may koneksyon sa ibang bansa ang mga naarestong suspek.
Dagdag pa nito, may mga impormasyon na rin silang nakuha kasunod nang pagkakahuli sa mga suspek.
Tiniyak ng Prime Minister na kanilang pananagutin ang sinumang grupo na nasa likod ng pag-atake.
Wala pang grupong umako sa nasabing “coordinated terror attacks” na sunod-sunod na binomba ang walong mga lugar na may mga simbahan at hotels.
Nagpatupad na rin sila ang gobyerno ng curfew at pinagbawal muna ang paggamit ng mga social media para maiwasan ang pagkalat ng anumang maling impormasyon.