Sumuko sa militar ang walong miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa probinsiya ng Sulu bitbit ang kanilang mga armas,kahapon alas-7:35 ng umaga, November 11,2017.
Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander BGen. Cirilito Sobejana, dahil sa walang tigil na opensiba ng militar laban sa teroristang grupo dahilan para magbalik loob ang mga ito sa pamahalaan.
Sinabi ni Sobejana na ang walong sumukong miyembro ng ASG ay mga followers ni ASG leaders Alhabsy Misaya.
Boluntaryong sumuko ang walong bandido kay 2nd Special Forces Battalion Commander Lt. Col. Jessie Montoya sa may Sitio Bayug, Barangay Samak, Talipao,Sulu.
Kinilala ni Sobejana ang mga sumukong bandido na sina Rakib Usman Mujakkil; Sadhikal Sabi Asnon; Jarrain Elil; Wahab Buklaw; Anggan Ali Sahaw; Bandi Ahadjula,Adih Manis Juhaini; Alden Banon.
Bitbit ng walong sumukong bandido ang kanilang walong mga matataas na kalibre ng armas gaya ng dalawang M16 rifles, 1 M14 rifle, limang M1 Garand rifles.
Bago pa man isailalim sa custodial debriefing ang walong sumukong bandido ay kanila muna itong sasailalim sa sa medical examination para i check ang kanilang physical condition.
” We are very thankful to the LGUs, other stakeholders and all the peace-loving Tausogs who rally behind us in our campaign to end terrorism in Sulu. We really appreciate your effort of generating social pressure against the remaining ASG members. Indeed, you have greatly contributed in the over-all conduct of our military operations causing them to voluntarily surrender,” pahayag ni Sobejana.