-- Advertisements --
QCPD

Kabilang ang apat na menor de edad sa walong babae na sinagip ng mga pulis sa ikinasang raid sa isang videoke bar sa Quezon City kaninang madaling araw.

Batay kasi sa nakuhang impormasyon ng PNP bukod sa videoke, nag-aalok rin ng panandaliang aliw ang nasabing establisimiyento at nagpapatrabaho ng mga menor de edad kung saan ang pinakabata sa mga nasagip ay isang 14-anyos na babae.

Itinanggi naman ng may-ari ng bar na si alyas “Mommy” na alam niyang menor de edad ang ilan sa mga babaeng nagtatrabaho sa kaniya.

Giit ng may-ari na hindi niya kilala ang mga ito at ang sabi ng mga babae sila ay 19-anyos at hindi 14 at 16 years old.

Sa ngayon tinurn-over na ng PNP sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development ang mga menor de edad na mga babae.

Sasampahan naman ng kaso ang may-ari ng nasabing videoke bar.