-- Advertisements --

atmos2

Dineploy na ng pamunuan ng Philippine Army ang walong bagong ATMOS 2000, 155mm Autonomous Truck Mounted Howitzer Systems sa Central Mindanao, partikular sa 6th Infatry Division.

Iprinisinta kay 6th ID at JTF Central Commander Major General Roy Galido ang mga pinakabago at pinakamalaking kanyon ng Philippine Army, kasama ang mga tropa ng Army Artillery Regiment.

Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa headquarters ng 7th Field Artillery (Steel Rain) Battalion sa Camp Lucero, Brgy. Nasapian, Carmen, North Cotabato.

Sinabi ni Maj. Gen. Galido na sa pamamagitan ng mga bagong kanyon ay mapapalakas ang kapabilidad ng militar sa pakikipag laban sa mga terorista at kalaban ng estado sa Central and South-Central Mindanao.

Ang ATMOS 2000 ay automatic loading at may digital fire control na may kakayahan na asintahin ang target na hanggang 41 kilometro ang layo.

Dahil sa ang kanyon ay nasa truck, kaya nitong mag-operate ng “shoot and scoot” o umatake mula sa pabago-bagong posisyon, mula sa mga ordinaryong daan at maging sa “rugged terrain”.

Naniniwala naman si Garido, isang malaking moral booster din ito sa kanilang mga tropa dahil sa moderno na ang kanilang mga fire fighting capabilities.