-- Advertisements --
KORONADAL CITY- Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon sang Bureau of Fire Protection o BFP-Cotabato City sa nangyaring sunog sa Datu Udtog Matalam Street, Barangay Rosary Heights 10, sa nasabing lungsod .
Base sa impormasyon nga ipinaabot ng Cotabato City BFP sa Bombo Radyo Koronadal , napag-alaman na mabilis na tinupok ng apoy ang mga bahay na gawa sa mga light materials na kung saan may ilang mga bahay pa na nadamay.
Umabot pa umano sa mahigit isang oras bago naapula ng tuluyan ang nasabing sunog.
Pansamantala naman nanunuluyan sa kanilang mga kaanak ang mga nasunugan.
Sa ngayon patuloy paring inaalam ang pinagmulan ng sunog at ang halaga ng danyos na dala nito.