-- Advertisements --

NAGA CITY – Tinatayang humigit kumulang P2.8-million an iniwan na danyos nang nangyaring sunog sa Barangay Poblacion, Guinayangan, Quezon.

Mababatid na umabot sa walong kabahayan ang natupok ng apoy sa nasabing lugar madaling araw ng Biyernes, Oktubre 29, 2021.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay FO3 Guian Carlo Bernardo, ang Chief ng Fire Safety Enforcement Section ng BFP Guinayangan, sinabi nito na zero casulties at wala namang nasugatan sa nangyaring sunog.

Ngunit sa kabila aniya nito, umabot sa siyam na pamilya ang nawalan ng bahay at pasamantalang na naninirahan muna sa kanilang mga kapamilya dahil sa pangyayari.

Ayon kay Bernardo, dakong alas-2:55 ng madaling araw nang ma-under control ang sunog at dakong alas-3:44 naman nang ideklara itong fired-out.

Samantala, nagpaabot na rin ng tulong ang LGU Guinayangan sa mga pamilyang apektado ng sunog.

Makakatanggap ng P10,000-P15,000 na ayuda ang mga apektadong pamilya para sa kanilang pagsisimula at pagbangon sa buhay.

Bukod pa dito, una nang nagpaabot ang lokal na pamahalaan ng mga hygiene kit at relief sa mga apektadong pamilya.

Mababatid na noong nakaraang Agosto 27 ng matupok din ng sunog ang 38 kabahayan sa Barangay Manggawa sa nasabing bayan na nagresulta sa pagkamatay ng isang 15-anyos at 4-anyos na bata.

Sa ngayon, patuloy pang tinutukoy ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog.