-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO- Sa pinakahuling datos ng Municipal Agriculture Office ng Kabacan Cotabato abot na sa walong barangay ang apektado ng African Swine Fever.
Umaabot na sa 68 na mag magsasaka ang apektado na nakapagtala ng 513 na baboy ang nadepopulate na.
Sa 68 na magsasakang apektado, 40 rito ay non-PCIC Beneficiary.
Samantala, anim naman na barangay ang nananatiling green zone o yaong mga barangay na walang kaso ng ASF ang naitatala.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. sa mga magbababoy sa bayan sa pagiging bukas ang pag-iisip na iprisinta ang kanilang alagang baboy upang masuri.
Siniguro din nito na ipapatawag nito ang mga apektadong magbababoy at hahandugan ng tulong.