ROXAS CITY – Sinampahan na ng kaso sa Provincial Prosecutor’s Office ang walong barangay officials ng Barangay Sta. Carmen, Dumalag, Capiz dahil sa di-umano’y anomalya sa implementasyon ng Social Amelioration Program (SAP).
Ito ang kinumpirma mismo ni CIDG-Capiz Head Police Major Chris Artemius Devaras nang makapanayam ng Bombo Radyo.
Nabatid na unang nagpaabot ng reklamo sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Capiz ang ilang residente ng naturang barangay patungkol sa anomalya sa distribusyon ng SAP kung kaya’t inatasan ang Dumalag Municipal Police Station na mag-imbestiga.
Napatunayan sa imbestigasyon na pinalusot umano ng mga barangay officials ang ilang indibidwal na may anak na government employees upang maabutan ng P6,000 ayuda.
Napatunayan sa imbestigasyon na nakatanggap ng P6, 000 na ayuda ang ilang indibidwal na may anak na government employees na pinalusot umano ng mga barangay officials.
Dahil dito ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang punong barangay na si Rosemary Puyon at ang pitong barangay kagawad nito.