GENERAL SANTOS CITY – Unti-unti nang namamatay ang mga puno ng saging habang hindi na lumalaki ang mga bunga ng niyog dahil sa sobrang init ng panahon.
Ayon sa Municipal Agriculturist Office ng Alabel Sarangani na walong Barangay ang kanilang na-monitor na may nasirang pananim ito ay ang Barangay Alegria, Datal Anggas, Domolok, Kawas, Pag-asa, Spring, Tokawal at Paraiso.
Matatandaang noong 2016 nakapagtala ng P16 milyong halaga ng nasirang pananim sa lugar dahil sa El Niño.
Ipinag-utos na rin ng municipal agriculturist office sa mga barangay kapitan na magsagawa ng field survey para malaman ang danyos dulot ng tagtuyot.
Habang sa General Santos City, pitong ektaryang mais na ang nabansot dahil sa sobrang init ng panahon.
Ngayong araw naitala ang 35 degrees na pinakaimainit sa General Santos habang ang heat index ang natala naman sa 43 degrees.