-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Walong mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighers (BIFF) ang sumuko sa militar sa lalawigan ng Maguindanao.

Angf walong BIFF ay mga tauhan ni Kumander Karialan sa BIFF Karialan faction.

Sumuko ang mga terorista sa tropa ng 33rd Infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Benjamin Cardiente Jr sa Barangay Zapakan Rajah Buayan Maguindanao.

Dala sa pagsuko ng mga rebelde ang apat na Garand rifles, isang M203 Grenade Launcher, isang M79 Grenade Launcher, isang Mosin Nagant rifle, isang M1911 cal. 45 pistol, dalawang 40mm high explosive,mga magasin at ibat-ibang uri ng mga bala.

Sinabi ni Joint Task Force Central Commander MGen. Roy Galido na isasama ang walong BIFF sa reintegration program ng pamahalaan at nagpasalamat rin ito sa mga tumulong sa pagsuko ng mga rebelde.

Nanmawagan si MGen Galido sa ibang BIFF na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.