CENTRAL MINDANAO-Isang mataas na lider ng Bangsamro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at pitong mga tauhan nya ang sumuko sa pulisya sa lalawigan ng Maguindanao.
Ang mga rebelde ay pinangunahan ni Thong Hashim na mga tauhan ni Kumander Kagui Karialan ng BIFF-Karialan faction.
Sumuko ang walong BIFF sa Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region (CIDG-BAR) sa pamumuno ni Colonel Harold Ramos sa Cotabato City.
Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang dalawang IED, grenade launcher, isang M14 rifle, Thompson sub-machine-gun, home made barret 50 caliber sniper rifle, 60 MM mortar,mga bala at magasin.
Pormal namang tinanggap ni CIDG-Director Major/General Albert Ferro ang walong BIFF na sinaksihan ni Sultan Kudarat Maguindanao Mayor Datu Shameem Mastura.
Tumanggap rin ng inisyal na tulong ang mga rebelde mula sa LGU-Sultan Kudarat na inabot mismo ni Mayor Mastura.
Sinabi ni MGen Ferro na malaking tulong ang pagkapaslang kay Salahuddin Hassan alyas Kumander Orak at asawa nya dahil sunod-sunod ang pagsuko ng BIFF.
Nagpasalamat rin si Ferro sa CIDG-BAR at sa mga tumulong sa negosasyon sa pagsuko sa grupo ni Hashim.
Nanawagan ni Gen Ferro sa ibang BIFF na sumuko na at mamuhay ng mapayapa