CENTRAL MINDANAO-Nagbalik-loob sa gobyerno ang walong terorista sa lalawigan ng Maguindanao.
Ang mga rebelde ay mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na pinangunahan ni Johar Inday Palaguyan alyas Kumander Daran.
Sumuko ang walong BIFF sa tropa ng 92nd Infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Nathaniel Balintong sa Shariff Aguak Maguindanao.
Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang mga matataas na uri ng armas na kinabibilangan ng isang 60mm Mortar, dalawang 7.62mm Sniper Rifles, tig-isang Homemade M14 Rifle, M16 Rifle, M14 Barret, Ultimax Rifle, at Rocket Propelled Grenade (RPG),mga bala at magasin.
Nakatanggap rin ng cash assistance at bigas ang walong BIFF mula sa LGU-Shariff Aguak.
Nagpasalamat naman si 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy sa tuloy-tuloy na tulong ng LGU-Maguindanao sa mga rebeldeng sumuko.
Hinikayat ni MGen Uy ang ibang BIFF na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.