Nasagip ng Bureau of Immigration (BI) ang 8 biktima ng human trafficking na na-recruit para magtrabaho sa Israel sa kabila ng nagpapatuloy na giyera sa naturang estado.
Ayon sa Immigration protection and border enforcement section (I-PROBES), tinangkang umalis ng bansa ng isang babaing human trafficker kasama ang mga biktima lulan ng Emirates airlines flights sa Clark International Airport (CIA) Terminal 2 sa pamamagitan ng pagkukunwari ng paglalakbay sa holy site sa Israel.
Inamin naman kalaunan ng mga biktima na magtratrabaho sila bilang hospital at hotel cleaners pagdating nila sa Israel at pinangakuang makakatanggap ng buwanang sahod na P60,000 hanggang P80,000.
Maaalala na nooong nakalipas na taon, inilagay ang Israel sa ilalim ng crisis Alert level 2 kung saan tanging ang mga returning overseas Filipino workers na mayroong existing employment contracts ang pinapayagang bumalik sa Israel at ipagpatuloy ang kanilang trabaho doon.
Inalala ng isa sa mga biktima kung paano sila pinangakuan ng kanilang agent na magtratrabaho sila sa ligtas na lugar sa Israel.
Binatikos namn ni BI Commissioner Norman Tansingco ang naturang scheme at sinabing dapat na maikulong ang mga recruiter na nasa likod nito.
Samantala, naiturn-over na ang lahat ng 9 na pasaherong biktima sa inter-agency council against trafficking para sa processing kung saan ang trafficker naman ay mahaharap sa mga kaso.