-- Advertisements --

Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang pag-positibo sa African Swine fever (ASF) ng walong baboy mula sa dalawang barangay sa Quezon City.

Ayon sa BAI, kabilang ang walong baboy sa kabuuang 45 blood samples na pinadala ng lokal na pamahalaan sa kanilang hanay para masuri.

Sa ngayon hinihintay pa raw ng ahensya ang resulta sa natitirang higit 30 blood samples.

Una ng isinailalim sa culling operation ang 166 na baboy mula sa Brgy. Bagong Silangan at Payatas matapos magpositibo sa ASF ang dalawang alagang baboy sa naturan mga lugar.

Batay sa datos ng Department of Agriculture, umabot na sa P260-bilyong halaga ng alagang baboy ang nalugi sa bansa mula ng pumutok ang ASF virus.