Inanunsiyo ng Bureau of Corrections (BuCor) walong bangkay ng mga preso sa Eastern Funeral Homes ang inaasahang isailalim sa awtopsiya sa susunod na linggo.
Ayon kay BuCor Health and Welfare Services director Cecilia Villanueva, kasalukuyang nasa 42 na bangkay ang Eastern Funeral Homes, kabilang ang mga preso na pumanaw noong Disyembre 1, Huwebes.
Dagdag pa ni Villanueva, karamihan sa mga bangkay ay pumanaw noong Oktubre.
Samantala, tinanong kung natanggap ng BuCor ang pahintulot ng mga pamilya, inihayag ni Villanueva na pinahintulutan ng Department of Justice (DOJ) ang BuCor na magsagawa ng autopsy.
May kabuuang 140 persons deprived of liberty (PDL) sa 176 na bangkay na naiwan sa Eastern Funeral Homes, ang tanging accredited funeral home ng Bureau of Corrections, ang inilibing.