-- Advertisements --
Screenshot 2020 11 21 11 54 22

BACOLOD CITY – Labis ang saya ng pamilya ng walong centenarians dito sa lalawigan ng Negros Occidental kasabay ng kanilang pagtanggap ng P100,000 na financial assistance mula sa provincial government kahapon.

Kasama ang pinuno ng Provincial Social Welfare and Development Office, mismong si Governor Eugenio Jose Lacson ang personal na naghatid ng P100,000 cold cash sa bahay ng mga centenarians upang maiwasan ang public gathering sa kapitolyo.

Kabilang sa mga pinuntahan ng gobernador ay ang mga lungsod ng Escalante, Sagay, Cadiz at ang mga bayan ng Manapla at EB Magalona.

Ang mga centenarianans na tumanggap ay sina Adoracion Monido, Josefina Gonzaga, Encarnacion Alegado, Juan Diesma, Lilia Deocampo, Rosario Guintalaga-an, Marcela Lucareza, at Nieves Concerman.

Ang pagbibigay ng financial assistance ay alinsunod sa Negros First Centenarians Ordinance kung saan ang mga residente na nakatungtong sa edad na 100 ay tatanggap ng one-time na P100,000 bawat buwan ng Nobyembre.

Maliban sa cash, tumanggap din ang mga matatanda ng Certificate of Centenarian Award.