Iniulat ng Taipei Defense Ministry na nakapagtala sila ng 8 Chinese balloons sa palibot ng Taiwan kung saan 2 dito ang direktang pinalipad sa may isla.
Ayon sa ministry, ang mga balloons ay naispatan nitong Biyernes, isang araw bago magsimula ang Lunar New Year Holiday na may taas na 15,000 feet hanggang 38,000 feet.
Ito na ang pinakamalaking bilang ng nadetect na Chinese balloons mula ng simulan ng Taipei ministry ang regular na paglalabas ng datos sa namamataang balloons sa kanilang airspace mula noong Disyembre.
Ang pinakabagong namataan na Chinese balloon ay kasunod ng presidential election sa Taiwan noong nakalipas lamang na buwan kung saan nagwagi ang standard bearer ng Democratic Progressive Party na si Pres. Lai Ching-te na tinatawag bilang separatist.
Mababatid na iginigiit ng China na bahagi ng teritoryo nito ang Taiwan at itinanggi din ang pagamit nito ng pwersa para makontrol nito ang self-ruled island.