-- Advertisements --

Chinese1

Arestado ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang walong miyembro nang tinaguriang Xiaopei-Nanlu Chinese kidnap for ransom group sa isinagawang operasyon sa Southwoods, Brgy San Vicente, Rosario Complex, San Pedro, Laguna.

Kinilala ni CIDG director M/Gen. Joel Coronel ang mga naarestong Chinese na sina Qun Deng aka Xiao Pei; Kang Jia Wei aka Nan Lu; Gui Chen , Shu Liu Tao; Denz Zi Yi ; Feng Quing Xin; Huang Xiang Bin at NIcanor Pantis aka Noki.

Ayon kay Coronel, nag-ugat ang kanilang operasyon ng magsumbong ang manager ng Smartwin Technology Inc sa CIDG kaugnay sa pagkidnap at pagpatay sa isa nilang empleyado na nakilalang si Lyu Long.

Nasa 1 million RMB daw ang ransom demand na hinihingi ng mga kidnappers kapalit sa paglaya ng dalawang biktima na dinukot ng Qun Deng Group noong December 23, 2020.

Sa kabila na nakapagbayad ng 403,000 RMB ransom hindi pa rin pinalaya ang mga biktima at patuloy na nakipagnegosasyon para sa ransom.

Pinatay naman ng mga kidnappers ang isa sa dalawang kidnap victim na si Lyu Long at itinapon ang katawan nito sa may bahagi ng Talisay, Batangas.

Chinese2

Agad namang rumesponde ang CIDG sa pakikipagtulungan sa PNP-AKG at nakipag-ugnayan din sa manager ng kompaniya.

Pinayuhan ng mga otoridad ang manager na kumbinsihin ang mga kidnapper na babayaran sila sa Philippine currency imbes ng RMB.

Isa namang Liu Xue Xue ang nananatiling bihag ng mga kidnappers.

Nagkasundo ang manager at ang mga kidnappers na magkita sa may Barangay San Francisco, Binan, Laguna kung saan dumating si Qun Den at Pintes sakay ng kotse.

Lumapit naman daw si Qun Deng sa sasakyan para kunin ang boodle money mula sa manager at dito na inaresto si Qun Deng habang nakatakas naman si Pintes.

Sinasabing sa may Silcres Subdivision sa San Pedro, Laguna itinatago ng mga kidnappers ang biktima at matagumpay ito na rescue.

Sinabi ni Coronel na si Qun Den at Kang Jia Wei ay pawang lider ng XIAOPEIN-NANLU Chinese Kidnap for ransom group.

Modus daw ng grupo na mag-scout ng kanilang mabibiktima partikular ang mga POGO workers. Ang mga ito ay iniengganyo at kung papayag sa deal dito na kikidnapin at hihingan ng ransom ang mga kaanak o kaibigan.

Sasampahan naman ng kasong kidnapping for ransom with murder and frustrated murder, abduction with rape, serious illegal detention at paglabag sa RA 10591 ang mga suspeks.