Hawak ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang walong Chinese national at isang Pinoy na nasa likod ng pagdukot sa mga kapwa nila Chinese nationals sa bansa.
Ayon sa NBI, nakatanggap sila ng reklamo mula sa ilang mga Chinese national, qpartikular mula sa asawa ng isa sa mga biktima na sapilitang tinangay ng hindi pa kilalang mga suspek ang kanyang mister mula sa isang kilalang hotel and Casino Complex sa Paranaque saka dinala sa isang bahay sa Las PiƱas City.
Ayon kay Assistant Director for Intelligence Service Eric Distor, pawang mga player sa Casino ang walong biktima na nadiskubreng talo sa paglalaro at pinautang ng mga suspek kapalit ng doble o tripleng interest.
Base sa kanilang imbestigasyon, inutusan umano ng mga suspek ang mga biktima na tawagan ang kanilang mga kaanak at hinihingan ng P2 million para sa kanyang kalayaan.
Nagawang makatawag ng isa sa mga biktima sa kanyang pinsan sa China na nagpadala ng kalahating milyong piso.
Pero hindi umano agad pinalaya ang biktima hanggang sa hindi pa nakukumpleto ang kabuuang halaga na hinihingi ng mga suspek.
Pinatawag ulit ng mga suspek ang biktima sa kaanank nito kaya dito na nakagawa ng paraan ang biktima na ipadala sa kanyang misis ang kanyang lokasyon sa pamamagitan ng global positioning system (GPS).
Ayon sa NBI ang Pinoy na si Jomar Lozada Demadante ang nagsisilbing bantay ng bahay na nagsilbing safehouse ng mga suspek.
Narecover mula sa Pinoy na suspek ang isang baril.
Nakilala naman ang mga Chinese na sina Ben Tan, Haitao Wang, Dechun Qin, Yong Fei Chan, Xiao Qiang Yang, Dong Zheng Wen, Beijun Lin at Jun Wang.
Isinalang na sa inquest proceedings ang mga suspek para sa kasong kidnapping at serious illegal detention at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.