-- Advertisements --
Nag-isyu na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng red tide notice sa ilang coastal areas ng bansa.
Ayon sa BFAR, nag-positibo raw kasi sa paralytic shellfish poison ang mga shellfish sa ilang lugar.
Base sa pinakahuling shellfish bulletin data, lahat ng uri ng shellfish at acetes o alamang ay hindi ligtas para sa human consumption.
“Fish, squids, shrimps and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” ayon sa BFAR.
Narito ang mga lugar na apektado ng red tide:
- Coastal waters ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal sa Bataan
- Coastal waters ng Milagros sa Masbate
- Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol
- Carigara Bay ng Leyte, coastal waters ng Leyte, Leyte
- Coastal waters ng Guiuan at Matarinao Bay sa Eastern Samar
- Dumanquilas Bay sa Zamboanga del Sur
- Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte
- Lianga Bay sa Surigao del Sur
Samantala, sinabi naman ng ahensiya na ang coastal waters ng Baroy sa Lanao del Norte ay wala ng red tide.