Walong coastal area sa bansa ang nagpositibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide na lampas sa regulatory limit, ayon yan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa isang shellfish bulletin, sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang lahat ng uri ng shellfish at acetes, na kilala rin bilang alamang, na kinokolekta mula sa mga sumusunod na lugar ay hindi ligtas para kainin kabilang na dito ang baybaying tubig ng Milagros, Masbate, Panay, Capiz, baybaying tubig ng Pilar, Dauis, baybayin ng Tagbilaran City, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Gayunman, sinabi ng ahensya na ang iba pang pagkaing-dagat maliban sa mga shellfish na nakolekta sa mga nasabing lugar ay ligtas na kainin.
Una na rito, mahigpit na ipinaalala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang isda, pusit, hipon, at alimango ay ligtas na kainin basta’t sariwa at hugasan ng maigi bago lutuin.