-- Advertisements --
contestant
92nd Scripps National Spelling Bee/ Twitter Image

Napilitang ideklara ng U.S. national spelling bee ang walong contestants matapos na maubusan na sila ng mga salita sa paligsahan.

Ang nasabing desisyon ay makaraan ang 17 rounds sa kabuuang 20 rounds ng 92nd Scripps National Spelling Bee dahil wala ng mga challenging na salita ang natitira sa dictionary.

Dahil dito, hindi lamang isa at sa halip ay idineklara na ng mga organizers ang walong natitirang contestants bilang mga champion.

Sinasabing ito ang unang pangyayari sa kasaysayan sa nakalipas na 92 taon na pag-iral ng spelling contest.

Kinilala ang mga ito na sina Rishik Gandhasri; Erin Howard; Saketh Sundar; Shruthika Padhy; Sohum Sukhatankar; Abhijay Kodali; Christopher Serrao at Rohan Raja.

Ang nasabing finals ay tumagal ng mahigit isang oras kung saan nasagot ng mga kalahok ang mga mahihirap na salita gaya ng omphalopsychite, Geeldikkop at auftaktigkeit.

Makakatanggap ng tig-$5,000 ang mga nanalo bukod pa sa trophy at mga certificate.