CAGAYAN DE ORO CITY – Naghihintay na lamang ng anumang kautusan mula sa Camp Crame kung ano ang susunod na gagawin sa walong convicted criminals na kabilang sa nakabenepisyo sa kontrobersial Good Conduct Time Allowance (GCTA) law sa bansa.
Ito ay matapos sunod-sunod na sumuko ang mga ex-convicts nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na babalik mula sa kustodiya sa gobyerno habang isailalim sa pagrebyo ang pagbigay ng GCTA grant sa mga bilanggo.
Inihayag ni Police Regional Office (PR0-10) spokesperson Lt. Col. Mardi Hortillosa na sa walong convicted criminals, apat dito ay nagmula sa Bukidnon, tig-dalawa sa Lanao del Norte at Iligan City at Camiguin.
Dagdag ni Hortillosa na kabilang sa mga kinasangkutan na kaso ng mga sumuko na convicted criminals ay murder, rape, robbery with homicide, rape with arson at rape.
Sa ngayon, lahat ng mga sumuko na convicted criminals ay naka-kustodiya sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-10) habang naghihintay sa panibagong utos mula sa Camp Crame.
Nagmula ang mga bilanggo sa Davao Penal Colony (DAPECOL) at ibang jail facility ng gobyerno kung saan nakalabas ang mga ito sa magkaibang buwan dahil sa GCTA.