Muling nagpaalala ang National Telecommunications Commission (NTC) kaugnay sa implementasyon ng 8-digit landline number mula sa kasalukuyang seven digits lamang.
Patuloy ang paalala ng National Telecommunications Commission (NTC) kaugnay sa implementasyon ng 8-digit landline number mula sa kasalukuyang seven digits lamang.
Sa Oktubre 6, araw ng Linggo ang epektibong pagpapatupad nito, kung saan layuning masiguro na magkakaroon ng sapat na resource pool para maserbisyuhan ang mabilis na dumaraming landline customers sa mga pangunahing lugar.
Batay sa inilabas ng NTC na memorandum order, inaatasan ang lahat ng telecommunication companies na i-migrate ang area code sa 8-digit telephone numbers.
Ang number 8 ay ilalagay sa unahan ng kasalukuyang phone number na ating ginagamit.
Doon naman sa may Globe landline customers na may area code (02) ay idadagdag sa unahan ang number “7” habanga ng Bayan Telecommunications ay naka assigned naman ang number “3” na idadagdag sa unahan ng numero.
Paalala naman ng mga telcos habang isinasagawa ang transition o migration period, makakaranas ang mga consumers ng limang oras na downtime mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw ng Linggo.
Layunin umano nitong masiguro na magkakaroon ng sapat na resource pool para maserbisyuhan ang mabilis na dumaraming landline customers sa mga pangunahing lugar.
Batay sa inilabas ng NTC na Memorandum Order No. 10-10-2017 noong October 27, 2017, inaatasan ang lahat ng telecommunication companies na i-migrate ang area code sa 8-digit telephone numbers.