Bagaman 45 anyos na si 8 Division World Champion Manny ‘Pacman” Pacquiao, nangako pa rin ito ng mas magandang laban kontra sa makaka tunggaling si Japanese-Peruvian mixed martial artist Chihiro Suzuki.
Sa isang statement, sinabi ni Pacman na plano niyang gawin muli ang ginawa niya noong 1998, kung kailan siya huling lumaban sa Japan at nagawa niyang patumbahin ang kanyang kalaban noon sa loob lamang ng isang round. Ang naging kalaban noon ng 8 Division World Champion ay si Shin Terao ng Japan.
Ayon kay Pacquiao, bagaman tatlong round lamang ang magiging exhibition fight nila ni Suzuki, pipilitin umano niyang gawin itong mas maikli,
Ang dalawa ay nakatakdang mag bakbakan sa Saitama Arena sa July 28, 2024 sa ilalim ng 150-pound boxing contest
Ito ang unang pagkakataon makalipas ang mahigit isang dekada na lalaban si Pacquiao sa naturang weight division, na malayo mula sa kanyang malimit na fighting weight.
Gayunpaman, tiniyak naman ni Pacman na hindi ito magiging problema. Dati na aniya siyang lumaban sa ilalim ng 154 pound kontra kay Antonio Margarito at nasanay na rin umano siyang labanan ang mga mas mabibigat na kalaban.
Maalalang sa naging laban noon nina Margarito at Pacquiao ay nagawa ng huli na patumbahin ang kalaban sa pamamagitan ng unanimous decision.
Nangyari ito noong 2010, para sa World Boxing Council super welterweight championship.