-- Advertisements --

Mayroong walong mga Filipino-Americans ang tatakbo sa iba’t-ibang posisyon sa US presidential elections.

Tatakbo muli si incumbent New York Assemblymember Steven Raga na magrerepresent ng District 30 sa Queens , New York.

Habang sina Jessica Calazo, na dating chief of staff ni first attorney general Rob Bonta ay tatakbo sa posisyon ng California Assembly.

Si Ysabel Jurado naman ay kandidato ng City Council ng Los Angeles County.

Tatakbo bilang senador ng California State Senate si Christopher Cabaldon.

Sa posisyon naman ng Wisconsin State Assembly si Angelito Tenorio at pagka-alkalde naman ng San Diego, California si Todd Gloria.

Muling tatakbo sa kaniyang ikalawang termino si Juslyn Manalo bilang alkalde ng Daly City.