Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW), ang walong Filipino seafarers ang nahuli sa Malaysia dahil sa sinasabing paglabag umano sa mga immigration laws.
Sakay ang mga Filipino crew ng MT Krishna 1 kung saan kasalukuyan silang nakakulong sa isang police station sa Kota Tinggi.
Sa naging pahayag ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac, sinabi niyang bumisita sina Labor Attaché Jocelyn Ortega at isang DMW-Migrant Workers’ Office lawyer sa mga seafarers at ipinaabot ang pananalig sa investigating officer.
Nagpasalamat naman si Cacdac sa mga awtoridad ng Malaysia sa pagpayag sa welfare visit at sa tulong ng Philippine Ambassador sa Kuala Lumpur, na si Ambassador Ponce.
Patuloy ang isinasagwang imbestigasyon ng DMW sa licensed manning agency (LMA) at shipowner upang malaman ang sanhi ng pagkakadetine ng mga Pilipinong tripolante at tiyakin ang tamang hakbang na kaso.
Tiniyak naman ng LMA na magpapatuloy ang pagbayad sa sahod at benepisyo ng mga Pilipinong tripolante habang pinoproseso ang kaso.