Iniulat ng Police Regional Office-7 na nagkaroon ng makabuluhang pagbaba sa 10.13% ngayong taon ang 8-focus crimes sa Central Visayas.
Kinabibilangan pa ito ng murder, homicide, robbery, theft, motornapping, carnapping, rape, at physical injury.
Inihayag ni PLt Col Ma. Aurora Rayos, pinuno ng Public Information Office ng PRO-7, na nakapagtala sila ng 2,635 insidente mula Enero hanggang Agosto ng nakaraang taon habang 2,368 naman ang naitala sa parehong period ngayong taon.
Bumaba pa ito ng 267 na insidente ngayong taon.
Sinabi pa ni Rayos na nakitaan din ng 35.68% na pagbaba ang kaso ng panggagahasa sa rehiyon.
Mula kasi Enero hanggang Agosto noong nakaraang taon ay naitala ang 412 na rape cases samantalang 265 naman ang naitala sa parehong period ngayong taon.
Aniya, malaki pa ang naitulong na diskarte ng kapulisan sa rehiyon gaya ng point-to-point patrolling at pagtaas ng police visibility.
Binigyang-diin din nito ang kahalagahan ng partisipasyon ng komunidad sa pagbaba ng mga insidente ng krimen dito dahil ang mga ito pa ang nagbigay-impormasyon sa mga otoridad.